…sana…

di ko alam kung san nanggagaling ang bigat ng loob na nararamdaman ko. minsan iniisip ko pagod lang siguro ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid… sa sobrang pagod ay di ko na nagagawa ng tama ang mga bagay at paminsan nawawalan na ng gana… ang hirap naman kasi ng posisyon na wala kang kasiguraduhan sa trabaho, di mo alam kung kelan ang hangganan nito at kung ano nga ba talaga ang papel mo rito… wag niyong isipin na hindi na ako masaya… masarap kasama and ibang kasamahan natin sa trabaho… inspirasyon sila sakin… ngunit may iba lang talaga na nagpapabigat ng aking loob… sa araw araw na nakakasama ko sila para akong nawawalan ng tiwala sa sarili… parang wala na akong nagawang tama… parang lahat ng gagawin ay may takot na magkamali at baka mahusgahan… ang hirap na nga na wala kang “sense of ownership” sa ginagawa, wala ka pang suporta na nakukuha… sabi ng kaibigan ko, wag raw i-verbalize o isipin ang mga “negative thoughts” dahil nakakahatak raw ito ng mas maraming “negative energy”… pero pano ka naman magkakaron ng “positive thoughts” kung lahat sa paligid mo puro reklamo at sama ng loob… nahahawa na ata ako… pamisan naririnig ko ang sarili, puro masasamang bagay ang nasasabi… wala ng magandang lumalabas sa mga labi… gusto kong pigilan ang mga ganitong pagiisip kasi lalong bumibigat ang aking pakiramdam… naapektuhan na rin ang relasyon ko sa kanya, palagi na lang kami nag-aaway… palagi na lang akong nagdadrama… onting bagay nagseselos ako… onting bagay lang, umiiyak na… nakakapagod ang ganito kasi di naman kami ganun dati… di naman ako ganito ka insecure… di naman ako nag-iisip ng masama sa kahit na sinong tao… pero ngayon, para akong basagulerong naghahanap ng away… onting maling bagay ang marinig, nagpipintig ang tenga… nakakasawa ang ganito… at nakaka-disappoint on my part kasi alam ko, di naman ako ganito talaga… (or kala ko lang yun) sana pagkatapos kong isulat ang mga to ay maging maayus na… sana ngayon lang to… sana gumaan na ang aking pakiramdam… puro na lang sana…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s